Last May 20, we had a company team building at Camp Benjamin in alfonso cavite. I think 3 hours lang sya from quezon city kaya hindi masyadong windang sa byahe. Syempre best in late posting nanaman ako bilang busy busyhan akembang. Ang saya lang kasi imbes na simpleng outing lang sya eh may mga paandar pang activities na mala SURVIVOR levels aside sa swimming kems. O sya waley na ng mahabang intro, eto na. :D
We arrived around 9:45am and it’s good na waley masyadong traffic nung sunday morning.

Nakakatuwa lang yung tagline nila. Ang lakas maka “New you” ha.. xD


At syempre pagka baba pa lang palalagpasin ba naman namin ang kodakan? Kami pang walang kahilig hilig sa pictures! haha!

eto pa

Pati sa pagwo walkaton kodakan pa din. Kalorks…. :P

Habang nagsa sight seeing kami nasight ko itong hardin ni elijah at hindi sya lihim ha tulad ng kay Mary. :)

take note: Organic ang peg nila kaya yung mga ingredients nila sa pagluluto ee talagang bagong harvest kaya may garden sila.
After makapag rest konti nag start na ang orientation. Rules at Dos and dont’s malamang.

Hanep attentive silang lahat ha. Pag nag break daw kasi ng rules ihuhulog sa bangin. Chos! :D

Contract signing, may bago kaming commercial na gagawin. Artista levels? hahaha! Waver yan na nag aagree kang mabalian ng buto o mahulog sa bangin. Choz!

Then after ng mga orientation kemberlu hinati na kami into 6 groups. The Blue, Green, Black, Yellow, Red and White. Yellow ako kaya mala people power ang peg namin. Laban kung laban! charowt! :P at ako ang napiling muse este leader… hahaha!! :))

Bago magstart ang mala SURVIVOR levels naming activity syempre laps muna para may energy. Mala kapuso foundation lang ang peg sa pila ng food? xD

Ayan ang ebidensya na best in chika ako huling huli sa camera hahaha!! :D

Picnik ang peg namin sa pagkain. Actually kanya kanyang pwesto na kaya pinili namin sa damuhan manginain. pastulan levels… :P

Wag kayong maingay may chumechevers. Ateng pakitabunan lang yan pagka tapos mo ha. Sabi nga di ba, “Clean as you go” tsarlot! xD

After kumain eto harot harot muna, mumumoment! xD. Tamang chill lang.. inenjoy ang view.. Eto yung pagong/kungfu panda kong friend. :)
After 30mins. nag start na ang activity namin. Stations by stations ang dapat malagpasan ng bawat group. Dito nag start ang lahat, unahan sa pagpasa ng.. Mga tao! haha! kaloorks! xD

Ayan ihanda ang mga alay!!


Nagkagulo ang mga utash. Karir kung karir!! :D

After ipasa ang maga alay at itapon sa bangin next na ginawa eh sumuot sa loob ng hula hoop habang holding hands. Sweet sweetan ha..


kakatuwa dahil kinarir talaga namin ito. Parang mananalo ng house and lot levels ang ganap ng lahat…

2nd station: Ang buwis buhay na mat. Kailangan ipitin nyo yung mat sa paa nyo at tatalok kayo para umusog usog yung mat. Kung ikaw yung nasa harap siguradong hahalik ka sa kalsada. kaloka! xD

3rd station: Yung super nakakabagets na station. Wala lang magseseesaw ka lang at magduduyan ng 5 times. Walang ka giraffe giraffe.

Ayan unggoy ungguyan lang ang peg sa monkey bar. Infair ha kahit magiraffe syang gawin eh natuwa ako dahil isang dekada ko na yatang hindi nagawa yan. I miss my childhood very much.. :’)

4th station: Isa pang nakakabagets, basta may rope lang tapos pagugulungin ang bola papuntang finish line. Di ko magets ang meaning nito basta ginawa lang namin haha! :P

5th station The ZIPLINE! medyo afraid ako dito kasi may fear of heights ako pero mukang masaya naman kaya keber na. Sabi nga ng globe Go lang ng Go! :D


Actually mukha lang syang mababa sa picture pero sa totoong buhay mataas talaga sya! Mga Eiffel tower levels ganun. Chos! :D

Isa pang nscary part dyan eh yung pag akyat sa hagdan! Wag ka lang titingin sa baba habang umaakyat ka kundi luley ka! xD
Ayan halata bang tense ako? Hindi naman di ba? hahaha!! xD

Ganito ang ganap mo kapag nakalambitin ka na sa ere. Hindi ako yang nasa picture ha sayang di ako nakuhanan habang lumilipad. Pero infair ha nung nasa ere na ko naenjoy ko na sya ng bonggels! hoooong sarap pala! :D

6th station: The tunnel. “Ayoko ng masikip! ayoko ng marumi! ayoko ng mabaho!” yan ang linya ni ate vi sa movie nya pero di yan eepek dito ahil kailangan namin daanan ang masikip, marumi, madilim at maputik na tunnel na yan. Walang choice eh… :P


Eto si leah na pababa ng bangin papuntang tunnel. Medyo confuse sya dahil sa dalawang reaso. Una: kung kakayanin sya ng lubid pababa. Pangalawa: Kung kakasya sya sa butas ng tunnel. Choz!

7th station: Ang gravity ek-ek. nakalimutan ko yung tawag sa kanya basta dapat sabay sabay nyo ibababa yung hula hoop na merong tubig sa loob, pero ang peg nya dapat nakapatong lang sya sa mga daliri nyo. Magiraffe din sya infairview ha ubos oras at kaka ngalay galore. Pag nangati ang ilong mo wiz mo sya makakamot, tiis ganda ka. Hahaha!! :D

Concentrate talaga dapat. karir ito… :P

8th and Last station: The BUBBLE SLIDE. Windang ako dito! ang haba ng slide at sa dulo eh water na may bubbles ang babagsakan mo. Bet ko sana kung may mga lalaking nag-aabang sa baba. Charooowt!! :D



Ayan kinain na kami ng mga bula…

At doon natapos ang mala SURVIVOR naming activities. All in all soooper nag enjoy kaming lahat. The best outing ng company ever since dahil may mga ganitong paandar. Usually kasi swimming sa beach lang pero ngayon it’s a lot different. Sa part 2 ang iba pang kaganapan. :)